Monday, January 24, 2011

Plans/Dreams/Goals I Have

Shet, nakokornihan ako sa blog topic today pati kahapon.

Tinatamad akong mag sulat, kahapon at ngayon. Nako... Midterm week kasi (nag aaral kunwari)

Goals that I have, erm... Surely one of them goals is to finish writing this 30-day blog challenge. Hohohoho.

Ano pa ba? Makatapos ng kolehiyo; makapag trabaho; makatulong sa aking pamilya; matutong mag maneho ng eroplano. :)

In the future, kapag mayaman na tayo (libreng mangarap mah-men) gusto kong i-try yung iba't ibang trabaho ng tao. Yung parang show sa Discovery na "Dirty Jobs." hohohoho. Pero di naman lahat ng trabaho na kadiri na katulad dun sa show... I wanna try lots of work: security guard ng isang mol, street sweeper, jeepney driver, taxi driver, tiga-lista ng taya sa jueteng, maging titser, mag construction worker, maging videographer/cameraman, magtinda ng taho, ice cream, maging takatak boy, maging traffic enforcer, atbp. hohohoho. Wala lang.

Super dami actually ng dreams/goals/plans na meron ako sa aking buhay. Yung mga nabanggit ko ay ilan lang sa mga nilalaman ngayon ng aking isipan.

Hmmm... Dagdagan pa natin. Gusto ko 30 years old ako magkaka pamilya. Gusto ko mga 3 anak lang... Gusto ko ng iPhone 4 ngayon. Gusto kong libreng ticket kahit kelan ako pumunta sa sinehan. Bibilin ko partly ang Heineken International para magtayo ng planta dito sa Pinas, pag nangyari yun mura na ang mga beer nila dito, including Amstel Beer. Gusto ko rin bilin in part ang Coffee Bean & Tea Leaf tapos magtatayo ako branch sa tabi ng bahay ko. Gusto ko ng pinaka mabilis na desktop sa balat ng unibers.

Gusto kong matutong mag drayb ng eroplano na biplane. Gusto kong mag cosplay ng mga itsura ng tao noong WW2 (European Theatre) take note, kasama ang mga baril, mga airsoft replicas nga lang (Thompson SMG, Browning Assault Rifle, M1 Garand, Sturmgewehr, Springfield Sniper Rifle etc)

Gusto ko unang kotse ko pre-owned na BMW M3, yung tipong from the early 90's, yung E30 chasis. Ang bangis nun, saka yun ang kaya ng budget ko pag bibili na ako ng first car. :)

No comments:

Post a Comment

Talk to me! :p